| Tagpuan |
[Oct. 24th, 2004|12:38 pm] |
Nagpatay sila ng ilaw-- mga bandang alas-onse y media. Nagtabi sa kama na parang mag-asawa. Ang sabi ng isa, "pagod ka na ba?" walang ibang sagot kundi katahimikan... --pagpikit ng mata.
Yumakap siya na para bang nagpapahiwatig. umikot ang katawan sa kabilang direksyon. pumasok sa ilalim ng kumot ang kamay, at naghanap...
malamig ang gabing yon, pero parang may dahilan para magpawis... |
|
|
| (no subject) |
[Aug. 19th, 2004|06:22 pm] |
Yayakapin ka niya ng hindi inaasahan. Mula sa likod at hindi mo alam... ibubuhol niya ang bisig niya sa may bewang mo, at isasandal ang baba sa yong kaliwang balikat... Lambingan at kiliti. Hindi na kailangang magsalita dahil nagkaka-intindihan na kayo. Haharap ka na lang bilang sagot sa kanyang pagsuyo. magtitinginan sa mata at hahalik... Tahimik at walang ingay, lumalaban at dumidiin... pipikit ka lang at makikiramdam... pakikinggan ang ingay ng dalawang sinturon habang tumatama sa isa't-isa. magpapadala sa pwersa ng pagyakap niya... |
|
|
| Unang Bersikulo |
[Aug. 15th, 2004|08:49 pm] |
Naramdaman mo na ba yung para kang nauubusan ng hangin at di makahinga? Hahabol ka sa bawat pagkakataong meron, at makikisama na lang sa ritmo ng isang kakaibang sayaw. Sayaw. Oo, sayaw. Mabagal at di na kailangan ng tugtog. Sabay lang sa tiyempo ng katawan at panggigigil... Pipikit ka kung pwede, at ngayon, hindi dahil sa antok kundi sa kalasingan sa taongt kasama mo. Pakikiramdaman mo lahat. Ang sanib ng libog at sarap. Susuko ka na lang, at mawawalan ng depensa. Aangkas at sasama sa pagtataksil ng laman. Mawawala ka sa sarili at di na muli pang gugustuhing bumalik... |
|
|